Panatang Makabayan...

Current version

Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag, at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo ng aking magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan;
naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal
nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas[2]

[edit]Original versionIniibig ko ang Pilipinas

Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako ay kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.

Comments

Popular Posts